Ciao Peachy e Davide,

I just wanna say “ringraziarla” (tama ba?) or “thank you” for posting different kinds of recipes. I really enjoy watching you cook. Aside from learning a lot of ways in cooking, natutuwa din ako and sobrang enjoy pag napapanood kita na nagtataray minsan..lol! And good-looking din sa Davide. Natutuwa ako especially when he’s trying to speak Tagalog. Naaalala ko kase fiance ko, Fil-Am sya but he doesn’t speak Tagalog talaga, kaya natutuwa ako pag pinipilit nya magsalita kase ang cute ng accent nya. Mas nakakapagsalita pa nga si Davide ng Tagalog eh.

Parati ko binibisita ang site mo eh. Before kase napanood lang kita sa Youtube. Tapos pinilit ko talaga hanapin ang site mo..Kaya naman sobrang happy talaga ako nang nakita ko na. Mahilig kase ako talagang magluto eversince I was a kid, pero nagagalit ang mommy ko pag nakikialam ako sa kitchen namin. Kaya naman tinigilan ko na.

BTW, I’ve tried making kaldereta (your own version) and I swear, masarap talaga..thank you, thank you sooo much! Nagulat nga ang sister ko kase ang sarap daw. Hindi kase ako nagluluto talaga kase hindi ako marunong, kaya naman gulat na gulat xa. Ayaw nya pa maniwala na ako nagluto non, (bruha sya eh dadalawa naman kami sa bahay!). Tapos the next day, I’ve tried making naman the “humba” (your style pa rin), yon sobrang saya nya..Halos hindi talaga xa makapaniwala. Tinawagan nya pa mommy namin para lang ibalita na “masarap na ako magluto”. Haynaku, natawa talaga ako.

Anyway, more power to you and your loving partner..

More cooking pa ha…

Thanks,

Mitz